Magandang buhay!!!
Hilig ko, noon pa, ang sumulat.
Noong school days ko nga, lagi ako gumagawa ng iskrip ng mga dula-dulaan.
Na-adik din ako sa pakikipag-penpal. (Pero 1 lang yung deretcho taga-Binan, Laguna. Ngayon, hinahanap ko siya sa Facebook, hindi pa lang kami pinagtatagpo ng tadhana.)
Sumulat din ako sa Liwayway. (Malas lang, hindi ko alam kung nailathala o hindi, dumalang kasi ang pag-uwi ng Liwayway sa bahay.)
Pagpasok ko sa private school, sa unang taong pagtuturo (2004), pinagkatiwalaan akong magsulat ng piyesa para sa BulPriSA-Talumpating Handa. (Iyayabang ko na rin, nanalo: oo nga't magaling siyempre in nature ang estudyanteng bumigkas ( https://web.facebook.com/venmar.cudog )pero aminin ninyo, may puntos rin ang piyesa, hindi ba? Sayang nga lamang dahil hindi ko na alam kung nasaan yung 2 piyesa kong naisulat. Para mai-post din dito. Bilang patunay sa inyo.)
Pero, hirap na akong magsulat. Ewan ko dahil natigil o sadyang pana-panahon lamang. Sabagay, noong isulat ko iyong piyesa, aminin ko hirap na ako. Hanap ako ng tiyempo. Hanap din ng inspirasyon. Basta pag may pumasok sa isip ko kailangan isulat ko, kahit sa scratch, kasi makakalimutan ko na ulit un.
Ngayon, nasaling na naman ang pagnanasa kong magsulat. Salamat sa subject na Computer Education. Masusubukan ko namang magsulat ng mga naglalaro sa aking isipan. Sa panahong ito, ang hamon ay something educational. 'Yung maaari ko ring i-share sa mga estudyante sa mga susunod na araw o panahon. Kaya, HELLO!!!e-Blogger https://www.blogger.com Welcome to my world.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento