Sa daigdig na binubuo ng inyong abang lingkod ay tungkol sa samu't saring paksa na mayroong kinalaman sa ating mga salita. Sa ating wika. Sa Wikang Filipino.
Nalulungkot ako, bakit? Sa panahong ito, nakararamdam ako ng panghihinayang sa mga bagong sibol ng mga mag-aaral. ( Nagsimula akong magturo sa pampribadong paaralan noong taong 2004 pagkatapos ko ng kolehiyo, hindi ganito ang mga estudyante ko. Nangibang-bayan ako at bumalik sa pagtuturo nito na lamang taong 2015). Tila, pahina nang pahina ang mag-aaral sa larangan ng gramatika. Pagsulat at pagbasa. Kaya ito ang tila hamon sa ating mga guro, ang paigtingin ang pagbuhay ng pagtuturo ng Filipino lalong lalo na sa bahagi ng wika. Dagdag pa na waring ang kurikulum ng K-12 ay naka-pokus sa pagsusuri ng iba't ibang panitikan at pahapyaw na lamang ang pagsaling sa gramatika. Nguni't alam natin tayo bilang guro ang higit na nakababatid ng bahaging dapat tutukan at bigyan ng higit na pansin. At ako, sa aking pananaw, ang wika o gramatika ang kailangang pagbulayan at kailangang maging magkaroon ng bisa.
Sa puntong ito, narito ang unang mundong bubuksan ko at sasalubong sa inyong paglalakbay.
Ang mundo ng Bahagi ng Pananalita.
Ang mundo ng Bahagi ng Pananalita.
Hindi simple kung susumahin ang paglalakbay na ito, hindi porke sinabing bahagi ng pananalita e 'yun lang iyon. Hindi basta:
Sa blog na ito, atin munang isa-isahin ang mga nararapat talakayin at inyong susubaybayan sa aking mundo.
Una, PANGNGALAN.
Pag sinabing PANGngalan, noun. Kapag paNGALAN, name. (Laging tandaan) Ito ay isang common error pag pinag-uusapan na ang PANGngalan.
Sa pangngalan, narito ang mga kaakibat na talakayan,
I. Uring Pansemantika
A. Pantangi (Proper Noun)
B. Pambalana (Common Noun)
II. Mga Uring Pangkayarian
A. Payak
B. Maylapi
C. Inuulit
1. Ganap
2. Di-Ganap
D. Tambalan
III. Kasarian
A. Panlalaki
B. Pambabae
C. Di-Tiyak
D. Walang Kasarian
IV. Kailanan
A. Isahan
B. Dalawahan
C. Maramihan
V. Kaukulan at Gamit
A. Simuno
B. Pangngalang pamuno
C. Kaganapang Pansimuno
D.Pantawag
E. Paari
F. Palayon
1. Layon ng pandiwa
2. Layon ng pang-ukol
Pangalawa, PANGHALIP
Narito naman ang mga tatalakayin kapag ang pag-aaralan ay PANGHALIP:
I. Uri
A. Panao
- Panauhan
- Una
- Ikalawa
- Ikatlo
- Anyo
- Palagyo
- Paukol
- Paari
- Kailanan
- Isahan
- Dalawahan
- Maramihan
- Pronominal
- Panawag-pansin
- Patulad
- Palunan
C. Panaklaw
D. Pananong
Ikatlo, PANG-URI
Kung ang lalakbayin natin ay PANG-URI, asahan mo ang mga ito:
- Pang-uring Panlarawn
I. Gamit
A. Panuring Pangngalan
B. Panuring Panghalip
C. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
D. Pang-uring Kaganapang Pansimuno
II. Kayarian ng Pang-uri
A. Payak
B. Maylapi
C. Tambalan
III. Kailanan
A. Isahan
B. Dalawahan
C. Maramihan
IV. Kaantasan
A. Lantay
B. Pahambing
1. Magkatulad
2.Di-Magkatulad
a. Palamang
b. Pasahol
C. Pasukdol
- Pang-uring Pamilang
- Kardinal
- Ordinal
- Pamahagi
- Palasak
- Pahalaga
- Patakda
Sa pagtalakay ng PANDIWA, sinisuguro ko ang pagkilala mo sa mga ito:
I.Uri
A. Palipat
B. Katawanin
B.Kayarian ng Pandiwa
A. Maylapi
B. Inuulit
C.Aspekto ng Pandiwa
A. Perpektibo
B. Imperpektibo
C. Kontemplatibo
D. Perpektibong Katatapos
D. Pokus
A. Pokus sa Tagaganap
B. Pokus sa Layon
C. Pokus sa Ganapan
D. Pokus sa Tagatanggap
E. Pokus sa Gamit
F. Pokus sa Sanhi
G. Pokus sa Direksyon
Panglima, PANG-ABAY
Alam mo tiyak na sa pakssang ito na ang langkap ay ang sumusunod:
I. Uri
A. Kataga/Ingklitik
B.Pamanahon
1. May pananda
2. Walang Pananda
3. Nagsasaad ng dalas
C.Panlunan
D.Pamaraan
E.Pang-agam
F.Pang-agam
G.Panang-ayon
H. Pananggi
I. Panggaano
J. Pamitagan
L. Panuring
M. Pananong
N. Panunuran
O. Panulad
P. Kundisyunal
Q. Kusatibo
R. Benepaktibo
S. Pangkaukulan
Pang-anim na paksa, PANGATNIG
Kasama sa tatalakayin ang sumusunod:
Uri ng Pangatnig
- Pantuwang
- Pantulong
- Pamukod
- Paninsay
- Panubali
- Pananhi
- Panlinaw
- Panulad
- Panapos
- na
- -ng
- ng
- -g
- Ginagamit sa pangngalang pamabalana
- Ginagamit sa ngalan ng tanging tao
Oppss... hindi dyan nagtatapos 'yan.
Iisa-isahin natin ang bawat nabanggit sa sama-sama nating paglalakbay sa mundo ng bahagi ng pananalita. Sa Daigdig ng mga salita.
Hanggang sa muli....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento