Huwebes, Abril 20, 2017

Mundo ng Bahagi ng Pananalita

Sa daigdig na binubuo ng inyong abang lingkod ay tungkol sa samu't saring paksa na mayroong kinalaman sa ating mga salita. Sa ating wika. Sa Wikang Filipino.

Nalulungkot ako, bakit? Sa panahong ito, nakararamdam ako ng panghihinayang sa mga bagong sibol ng mga mag-aaral. ( Nagsimula akong magturo sa pampribadong paaralan noong taong 2004 pagkatapos ko ng kolehiyo, hindi ganito ang mga estudyante ko. Nangibang-bayan ako at bumalik sa pagtuturo nito na lamang taong 2015). Tila, pahina nang pahina ang mag-aaral sa larangan ng gramatika. Pagsulat at pagbasa. Kaya ito ang tila hamon sa ating mga guro, ang paigtingin ang pagbuhay ng pagtuturo ng Filipino lalong lalo na sa bahagi ng wika. Dagdag pa na waring ang kurikulum ng K-12 ay naka-pokus sa pagsusuri ng iba't ibang panitikan at pahapyaw na lamang ang pagsaling sa gramatika. Nguni't alam natin tayo bilang guro ang higit na nakababatid ng bahaging dapat tutukan at bigyan ng higit na pansin. At ako, sa aking pananaw, ang wika o gramatika ang kailangang pagbulayan at kailangang maging magkaroon ng bisa.

Sa puntong ito, narito ang unang mundong bubuksan ko at sasalubong sa inyong paglalakbay.

Ang mundo ng Bahagi ng Pananalita.











Hindi simple kung susumahin ang paglalakbay na ito, hindi porke sinabing bahagi ng pananalita e 'yun lang iyon. Hindi basta:

                           












          Bakit ko nasabing hindi madali? Sapagkat, ang bawat bahagi ng pananalita ay mayroong napakalawak na paksang bubuksan.

          Sa blog na ito, atin munang isa-isahin ang mga nararapat talakayin at inyong susubaybayan sa aking mundo.


Una, PANGNGALAN.


Pag sinabing PANGngalan, noun. Kapag paNGALAN, name. (Laging tandaan) Ito ay isang common error pag pinag-uusapan na ang PANGngalan.


Sa pangngalan, narito ang mga kaakibat na talakayan,


I. Uring Pansemantika

    A. Pantangi (Proper Noun)
    B. Pambalana (Common Noun)
II. Mga Uring Pangkayarian
    A. Payak
    B. Maylapi
    C. Inuulit
         1. Ganap
          2. Di-Ganap
    D. Tambalan
III. Kasarian
     A. Panlalaki
     B. Pambabae
     C. Di-Tiyak
     D. Walang Kasarian
IV. Kailanan
     A. Isahan
     B. Dalawahan
     C. Maramihan
V. Kaukulan at Gamit
     A. Simuno
     B.  Pangngalang pamuno
     C. Kaganapang Pansimuno
     D.Pantawag
     E. Paari
     F. Palayon
          1. Layon ng pandiwa
          2. Layon ng pang-ukol


Pangalawa, PANGHALIP


Narito naman ang mga tatalakayin kapag ang pag-aaralan ay PANGHALIP:


I. Uri

   A. Panao


  • Panauhan
  1. Una
  2. Ikalawa
  3. Ikatlo
  • Anyo
  1. Palagyo
  2. Paukol
  3. Paari
  • Kailanan
  1. Isahan
  2. Dalawahan
  3. Maramihan
     B. Pamatlig


  1. Pronominal
  2. Panawag-pansin
  3. Patulad
  4. Palunan
     C. Panaklaw
     D. Pananong

Ikatlo, PANG-URI

Kung ang lalakbayin natin ay PANG-URI, asahan mo ang mga ito:


  • Pang-uring Panlarawn
I. Gamit
   A. Panuring Pangngalan
   B. Panuring Panghalip
   C. Pang-uring Ginagamit Bilang Pangngalan
   D. Pang-uring Kaganapang Pansimuno
II. Kayarian ng Pang-uri
   A. Payak
   B. Maylapi
   C. Tambalan
III. Kailanan
   A. Isahan
   B. Dalawahan
   C. Maramihan
IV. Kaantasan
   A. Lantay
   B. Pahambing
      1. Magkatulad
      2.Di-Magkatulad
         a. Palamang
         b. Pasahol
   C. Pasukdol 


  •   Pang-uring Pamilang
  1. Kardinal
  2. Ordinal
  3. Pamahagi
  4. Palasak
  5. Pahalaga
  6. Patakda
Pang-apat, PANDIWA

Sa pagtalakay ng PANDIWA, sinisuguro ko ang pagkilala mo sa mga ito:


I.Uri

   A. Palipat
   B. Katawanin
B.Kayarian ng Pandiwa
   A. Maylapi
   B. Inuulit
C.Aspekto ng Pandiwa
    A. Perpektibo
    B. Imperpektibo
    C. Kontemplatibo
    D. Perpektibong Katatapos
D. Pokus
     A. Pokus sa Tagaganap
     B. Pokus sa Layon
     C. Pokus sa Ganapan
     D. Pokus sa Tagatanggap
     E. Pokus sa Gamit
     F. Pokus sa Sanhi
     G. Pokus sa Direksyon

Panglima, PANG-ABAY


Alam mo tiyak na sa pakssang ito na ang langkap ay ang sumusunod:


I. Uri

   A. Kataga/Ingklitik
   B.Pamanahon
      1. May pananda
      2. Walang Pananda
      3. Nagsasaad ng dalas
   C.Panlunan
   D.Pamaraan
   E.Pang-agam
   F.Pang-agam
   G.Panang-ayon
   H. Pananggi
   I. Panggaano
   J. Pamitagan
   L. Panuring
   M. Pananong
   N. Panunuran
   O. Panulad
    P. Kundisyunal
   Q. Kusatibo
   R. Benepaktibo
   S. Pangkaukulan

Pang-anim na paksa, PANGATNIG


Kasama sa tatalakayin ang sumusunod:


Uri ng Pangatnig



  1. Pantuwang
  2. Pantulong
  3. Pamukod
  4. Paninsay
  5. Panubali
  6. Pananhi
  7. Panlinaw
  8. Panulad
  9. Panapos
Pangpito, PANG-ANGKOP


  1. na
  2. -ng
  3. ng
  4. -g
Huli, PANG-UKOL


  • Ginagamit sa pangngalang pamabalana
  • Ginagamit sa ngalan ng tanging tao

Oppss... hindi dyan nagtatapos 'yan.

Iisa-isahin natin ang bawat nabanggit sa sama-sama nating paglalakbay sa mundo ng bahagi ng pananalita. Sa Daigdig ng mga salita.

Hanggang sa muli....



   

  


Panimula

Magandang buhay!!!

Hilig ko, noon pa, ang sumulat.

Noong school  days ko nga, lagi ako gumagawa ng iskrip ng mga dula-dulaan.

Na-adik din ako sa pakikipag-penpal. (Pero 1 lang yung deretcho taga-Binan, Laguna. Ngayon, hinahanap ko siya sa Facebook, hindi pa lang kami pinagtatagpo ng tadhana.)

Sumulat din ako sa Liwayway. (Malas lang, hindi ko alam kung nailathala o hindi, dumalang kasi ang pag-uwi ng Liwayway sa bahay.)

Pagpasok ko sa private school, sa unang taong pagtuturo (2004), pinagkatiwalaan akong magsulat ng piyesa para sa BulPriSA-Talumpating Handa. (Iyayabang ko na rin, nanalo: oo nga't magaling siyempre in nature ang estudyanteng bumigkas  ( https://web.facebook.com/venmar.cudog )pero aminin ninyo, may puntos rin ang piyesa, hindi ba? Sayang nga lamang dahil hindi ko na alam kung nasaan yung 2 piyesa kong naisulat. Para mai-post din dito. Bilang patunay sa inyo.)

Pero, hirap na akong magsulat. Ewan ko dahil natigil o sadyang pana-panahon lamang. Sabagay, noong isulat ko iyong piyesa, aminin ko hirap na ako. Hanap ako ng tiyempo. Hanap din ng inspirasyon. Basta pag may pumasok sa isip ko kailangan isulat ko, kahit sa scratch, kasi makakalimutan ko na ulit un.

Ngayon, nasaling na naman ang pagnanasa kong magsulat. Salamat sa subject na Computer Education. Masusubukan ko namang magsulat ng mga naglalaro sa aking isipan. Sa panahong ito, ang hamon ay something educational. 'Yung maaari ko ring i-share sa mga estudyante sa mga susunod na araw o panahon. Kaya, HELLO!!!e-Blogger https://www.blogger.com Welcome to my world.


MUNDO NG BAHAGI NG PANANALITA 2

Sa daigdig na binubuo ng inyong abang lingkod ay tungkol sa samu't saring paksa na mayroong kinalaman sa ating mga salita. Sa ating wik...